MY 3 PERVERT STEPBROTHERS
PROLOGUE:
°POTCHIE'S POV°
"Nay sigurado ka bang dito yung bahay ni tito Daniel? Akala ko ba hindi siya mayaman?" Tanong ko sa nanay kong nakanganga na rin sa hitsura at laki ng bahay. Bahagya ko pang sinarado ang bunganga niya para hindi pasukin ng kung anumang insektong lumilipad.
"Ano ba yan anak nagandahan lang ako sa bahay. Hindi ko nga alam eh. Dito tayo dinala ng taxi eh sabi dito daw yung address na binigay ko".
"Baka naman nagkamali lang yung taxi driver, Nay. Tignan mo na lang kaya sa address na binigay ni tito Daniel sa inyo." Sabi ko na medyo may pagkamot na sa ulo. Hindi naman kc halatadong mayaman si tito Daniel. Pag pumapasyal kc sa bahay simpleng ayos lang. Dun siya nagustuhan ni nanay. Ang pagiging simple niya.
"Eksakto naman yung address anak. Tignan mo oh #373 Amar Village, Balibago, Santa Rosa City, Laguna." At talagang binasa pa ng buo ahh.
"Nay naman bat mo sinabi. Mamaya masugod si author sa address na yan delikado." Biro ko pa sabay tawa. Ha ha ha.
"Tawagan mo nalang kaya,Nay?" Kakasabi ko pa lang nun nang may bumusinang kotse sa harap ng gate.
"Ay kabayo ka!!!" Sigaw ko dahil sa gulat. Bahagya pa akong napaatras dahil nga nasa mismong tapat kami ng gate.
Bahagyang bumaba ang bintana ng kotse sa may drivers seat at nakita nga namin na si tito Daniel yun kaya naisip namin ay este ko actually na dito pala talaga nakatira si tito Daniel. Pero infairness ha? Mayaman. Hindi naman kc agad simabi ni tito Daniel na mayaman siya. Pero ok na yun. Atleast mayaman ang napangasawa ng nanay ko. Hindi na kami maghihirap.
"Nympha, Potchie, kakarating niyo lang?" Tanong ni tito.
"Tss.."
"Ahh opo tito kakarating lang namin". Hindi ko maaninag kung may tao pa sa loob ng kotse sa likod pero may narinig akong tunog na naggaling sa likod kanina.
"Mayaman ka pala Daniel hindi mo sinasabi hahaha" with matching tawa pa na sabi ni mama.
"Pag-usapan natin yan mamaya love. Pasok na muna tayo at may mga ipapakilala muna ako sa inyo. Ipapakilala ko ang mga anak ko."
Anak?? May anak si tito Daniel? I thought...
Hayys... Ano magiging buhay ko sa mga magiging kapatid ko?
Comments
Post a Comment