Posts

MY 3 PERVERT STEPBROTHERS

  PROLOGUE: °POTCHIE'S POV° "Nay sigurado ka bang dito yung bahay ni tito Daniel? Akala ko ba hindi siya mayaman?" Tanong ko sa nanay kong nakanganga na rin sa hitsura at laki ng bahay. Bahagya ko pang sinarado ang bunganga niya para hindi pasukin ng kung anumang insektong lumilipad. "Ano ba yan anak nagandahan lang ako sa bahay. Hindi ko nga alam eh. Dito tayo dinala ng taxi eh sabi dito daw yung address na binigay ko". "Baka naman nagkamali lang yung taxi driver, Nay. Tignan mo na lang kaya sa address na binigay ni tito Daniel sa inyo." Sabi ko na medyo may pagkamot na sa ulo. Hindi naman kc halatadong mayaman si tito Daniel. Pag pumapasyal kc sa bahay simpleng ayos lang. Dun siya nagustuhan ni nanay. Ang pagiging simple niya. "Eksakto naman yung address anak. Tignan mo oh #373 Amar Village, Balibago, Santa Rosa City, Laguna." At talagang binasa pa ng buo ahh. "Nay naman bat mo sinabi. Mamaya masugod si author sa address na yan delikad...